-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Nakatanggap ng tig-P100,000 incentives ang tatlong centenarians sa Mountain Province sa magkakahiwalay na okasyon.
Kinilala ni Governor Bonifacio Lacwasan Jr. ang mga centenarians na sina Esther Kilangan Chapyosen, 102, mula Maligcong, Bontoc; Lourdes Ambatcan Bulaec, 102, mula Gonogon, Bontoc; at Essao Antonio Sidchayao, 109-anyos, na mula naman sa Belwang, Sadanga.
Ayon sa gobernador, ang pagbibigay nila ng cash incentives ay salig sa Centenarians Act of 2016.
Samantala, sinabi ng anak ni Chapyosen na kayang-kaya pa ng kanilang ina ang magtungo sa bukid para magbunot ng mga damo habang kaya pa ni Bulaec ang magbasa kahit wala itong eyeglasses.
Napag-alamang hindi rin umiinom ng anumang maintenance ang dalawang lola.