Ipinag-utos na ng Ombudsman Samuel Martires ang pagsibak sa puwesto ng tatlong BuCor officials na sangkot sa maanomalyang implementasyon ng RA 10592 o Good Conduct Time Allowance (GTCA) Law

Sa inilabas na desisyon, nakitaan ng probable cause ang ginawang extortion nina Ramoncito Roque, Maria Belinda “Mabel” Bansil, Veronica “Boday” Buño.

Partikular dito ang panghingi ng P50,000 mula sa isang Bilibid inmate kapalit pagkakapalaya sa ilalim ng GCTA.

Inirekomenda ng Ombudsman na kasuhan ng direct bribery and graft
dahila sa grave misconduct over the freedom for sale scheme.

Taong 2019 noong naungkat ang naturang isyu dahil muntikan nang makalaya ang inmate na si Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez matapos pagkalooban GCTA.

-- Advertisement --

Si Sanchez ay sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa University of the Philippines (UP), Los Baños student na si rape-slaying of Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan Gomez noong 1993.