BIFF A
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tatlong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Kagui Karialan ng BIFF Karialan Faction na mga residente ng Aleosan Cotabato.

Sumuko ang tatlong BIFF sa pulisya at 34th Infantry Battalion Philippine Army.

Dala ng mga terorista sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas, mga bala, pampasabog at mga magasin.

Tumanggap naman ng tulong ang mga rebelde mula sa Provincial Government ng Cotabato.

-- Advertisement --

Hinikayat muli ni 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander M/Gen. Juvymax Uy ang ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.