NAGA CITY- Dinala na sa huling hantungan ang tatlong batang biktima sa pamamaslang ng sariling ina sa Basud Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Eva Guiruela, hepe ng Basud-PNP, sinabi nito na kaninang tanghali ng ito ay ilibing sa Basud Cemetery.

Kung maalala patay ang tatlong bata matapos laslasin ang leeg hanggang sa mamatay ng sariling ina na pinaniniwalaang nakakaranas ng postpartum depression.

Kung saan ito ay isang 5-anyos, 1yr and 8mons at 4mons old baby.

Samantala araw ng huwebes ng sampahan na ng kasong multiple parricide ang suspek na si Joan Magistrado habang ayon sa ina nito, inamin mismo ng kanyang anak ang nagawang krimen matapos nitong makausap ang kanyang kapatid.