CENTRAL MINDANAO – Nakapagtala ng tatlong panibagong kaso at isang recovery ang probinsya ng Cotabato.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region at IPHO-Cotabato.

Ang tatlong panibagong kaso ay kinabibilangan ng isang 41-anyos na lalaki mula sa bayan ng Pigcawayan at may travel history sa Davao City.

Isang 37-anyos na babae naman ang nadagdag sa mga aktibong kaso sa bayan ng Midsayap na patuloy pang ini-imbestigahan ang history of exposure.

Babae rin na 43-anyos ang panibagong kaso sa bayan ng Libungan na na-expose sa isang kumpirmadong kaso.

Samantala, tuluyan nang gumaling mula sa COVID-19 virus ang 25-anyos na babaeng pasyente mula sa bayan ng Kabacan.

Sa ngayon ay umakyat sa 92 ang nagpositibo sa COVID-19 sa probinsya ng Cotabato, 35 active cases at 55 recoveries.