NAGA CITY – Kulungan ang bagsak ng tatlong katao sa Camarines Sur matapos umanong pagtangkaang dukutin ang dalawang menor de edad sa bayan ng Pili.

Batay sa ulat, pauwi na ang mga biktima na pawang 11 at 16-anyos nang bigla umanong harangin ng isang pick-up truck at pwersahang isinakay.

Nagawa daw tumakas ng mga bata at humingi ng tulong sa mga residente.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at nahuli ang tatlo sa karatig na bayan ng Ocampo.

Sa ngayon inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa mga umano’y salarin.