Sa kulungan ang bagsak ng isang 48 anyos na lalaki matapos inakusahang nanggahasa ng isang 3 anyos na batang babae sa All Season 3, Cogon Pardo sa lungsod ng Cebu.

Kinilala ang supek na si Marlito Pardillo alyas ‘Pokoy’ at naninirahan sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Pardo Police, umiiyak na lumapit ang bata sa kanyang ama nitong Miyerkules ng hapon habang nakahawak sa kanyang maselang bahagi ng katawan.

Nang suriin ng ama, nakita niya nalang na nagkaroon na ito ng dugo.at ng tanungin naman ang bata kung ano ang nangyari, sumagot ito na ginalaw siya ni Pardillo at nilalaro ang kanyang pribadong bahagi ng katawan.

Dahil dito, humingi ng tulong sa mga brgy. tanod ang ama ng bata para mahuli si Pardillo at dinala sa police station.

-- Advertisement --

Sinampahan na ang suspek ng kasong rape.