Reading Time: 1 minute

Nailigtas ang 3-anyos na batang lalaki matapos na ito ay mahulog sa ika-anim na palapag ng gusali sa China.

Makikita sa kuha ng CCTV ang bata na umaakyat pataas sa gusali na matatagpuan sa Chongqing City.

Nakabitiw ang bata sa pagkakahawak nito sa ilang bahagi ng gusali.

Hindi naman nag-abala ang mga tao na nandoon sa lugar at sila ay nagtulong-tulong para agarang masagip ang bata.

Gumamit ng kumot ang mga tao doon at hinintay na mahulog ang bata hanggang sa kanilang masalo at masagip.

Binubuo ng mga guwardiya, sanitation workers at mga residente sa lugar ang nagtulong-tulong para masagip ang bata.