china covid test
-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng mga health authorities sa China na kayang magsagawa ng bansa ng 3.78 milyong coronavirus tests sa isang araw. Ito ay mas mataas ng tatlong beses sa daily testing capacity para sa 1.26 milyong mamayan ng China noong Marso.

Ang paglalahad ng detalyeng ito ng National Health Commission ay kasunod ng muling pagharap ng Beijing sa panibagong outbreak ng deadly virus ngayong buwan.

Hinihinalang nagmula sa isang wholesale food market ang nasabing outbreak na nagresulta sa 256 bagong kaso ng virus.

Ayon sa mga otoridad, 2.3 milyong katao na sa bansa ang isinailalim sa COVID-19 test kung saan ang mga magpopositibo sa polymerase chain reaction o PCR test ay kaagad sasailalim sa isolation.

Dagdag pa ni Guo Yanhong, opisyal mula NHC, na halos 90 milyong katao na ang sumailalim sa PCR testing noong Lunes.

-- Advertisement --