Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Niyanig ng 3.3 magnitude na lindol nitong umaga lamang ang San Fernando, Camarines Sur.

Batay sa ipinalabas na data ng Philippine Institue of Volcanology and Seismology alas-11:35 kaninang umaga ng tumama ang nasabing lindol.

Ang sentro ng pagyanig ay naitala sa bayan ng San Fernando na tectonic ang pinagmulan.

Ang bahagyang pagyanig ay natukoy din sa mga kalapit na bayan ng San Fernando maging sa lungsod ng Naga.

Wala namang naitalang pinsala o nasugatan sa nasabing pangyayari.