Nasa 28 katao ang patay dahil sa pagsabog ng gas tanker sa central Nigeria.

Ayon kay Bisi Kazeem ang tagapagsalita ng Federal Road Safety Corp (FRSC), kabilang ang siyam na bata sa nasawi.

Nangyari ang aksidente sa petrol station sa Lokoja-Zariaga highway.

Maraming mga sasakyan, gusali at ilang mga gamit ang nawasak dahil sa aksidente.