Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Matagumpay na naitayo ang 28 na Negosyo Serbisyo sa Barangay (NSB) sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Ifugao

Inisiyatibo ng Department of Trade and Industry ang proyekto na nailaan para sa mga negosyante at para may karagdagang pagkakakitaan ang mga residente.

Nag-umpisa ang pagbuo ng NSB noong Hunyo sa Lawig, Lamut, Ifugao at natapos ito noong Setyembre 3 sa Abatan, Hungduan, Ifugao.

Ayon kay DTI-Ifugao Director Valentin Baguidudol, naitayo ang mga NSB sa mga itinuturing na 4th hanggang 6th income class na bayan sa Ifugao gaya na lamang ng Asipulo, Banaue, Hingyon, Hungduan, Kiangan, Lagawe, Lamut, Mayoyao at Tinoc.

Umaasa ang opisyal na malaking tulong sa mga residente ang pagkakaroon ng NSB.