Nasa 28 mga inmates o persons deprived of liberty (PDL) ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang pinalaya sa araw ng Pasko.

Ayon sa Bureau of Corrections, tatlo sa mga dito ay nakalaya matapos na mabasura ang kanilang mga kaso.

Ang 25 natitira ay ang mga nanumbalik sa kulungan matapos na ipatupad ng gobyerno ang implementasyon ng good conduct time allowance (GCTA) Law.

Ang nasabing pagpapalaya ay siyang taunang ginagawa ng gobyerno tuwing kapaskuhan.