Patay ang 27 katao matapos na manalasa ang buhawi sa Pacific nation na Vanuatu.

Nasa category five ang cyclone Harold kung saan nadamay pa ang katabing Solomon Island.

Karamihan sa mga biktima ay lulan ng ferry na binalewala ang babala.

Dinamay din ng nasabing bagyo ang Sanma province ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Luganville.

Naitala naman ng Vanautu meteorology department ang 135 mph na lakas ng hangin at may pagbugso ng hanggang 145mph.