-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ipinagmalaki ng Baguio General Hospital & Medical Center (BGHMC) ang paggaling ng isa pang COVID-19 patient noong Sabado.

Si PH11142 na isang lalaki, ay 26-anyos at ika-26 na COVID-19 survivor ng BGHMC.

Inihayag ng naturang survivor ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa mga medical frontliners na tumulong para sa kanyang paggaling.

Pinasalamatan din nito ang suporta ng lokal na pamahalaan ng Baguio City.

Ayon sa BGHMC, nagnegatibo sa COVID-19 ang dalawang swab test samples na kinuha sa naturang survivor pagkatapos ng pananatili nito sa pagamutan sa loob ng 21 na araw.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring, nananatiling 32 ang kaso ng COVID-19 sa lunsod kung saan, 29 ang gumaling na, dalawa ang aktibo at isa ang nasawi.