Reading Time: 1 minute

Sugatan ang 26 na katao matapos tamaan ng missile mula sa Houthi rebels ang arrival hall ng paliparan sa southwestern Saudi Arabia.

Itinakbo sa pagamutan ang mga nasugatang biktima na kinabibilangan ng tatlong babae, isang Yemeni, isang Indian at dalawang batang Saudi.

Base sa imbestigasyon gamit ng mga militanteng grupo ang strategic guided cruise missile.

Nasira ang ilang bahagi ng Abha International Airport.