BUS COTABATO STAR BUS

CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa 26 pasahero ang nasugatan sa nahulog na Mindanao Star Bus sa bangin sa Kidapawan City dakong alas-4:00 ng madaling araw kanina.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang bus ay second trip mula sa Davao City patungong siyudad ng Cotabato ngunit sa pagsapit nito sa KM 110, Brgy Amas, Kidapawan City ay nawalan umano ng preno at deritsong nahulog sa bangin sa gilid ng national highway.

Ang mga sugatan na pasahero ay agad dinala sa Cotabato Provincial Hospital habang ang apat ay nakalabas na makaraang magtamo ng konting galos sa katawan.

Marami ang naniniwala na posibleng nakaidlip ang driver o kaya hindi nito nakontrol ang manibela sa madulas na kalsada dahil sa malakas na buhos nang ulan.

mindanao star bus accident

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa naturang pangyayari.