Pinauwi na ng gobyerno ng Kuwait ang nasa 253 na undocumented at distressed overseas Filipino workers (OFW).

Pinasakay pa ng libre ng gobyerno sa Kuwait Airways bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Philippine Charge d’ Affaires to Kuwait Charleson Hermosura, na galing ang mga ito sa deportation center, Public Authority Manpower (PAM) Shelter sa Jleeb Al Shuyoukh at sa POLO-OWWA shelter.

Kasama niyang naghatid sa Kuwait International Airport Terminal 4 sina Vice Consul Adrian Baccay at ilang personnel ng Philippine Embassy.

Mayroon pang 91 distressed OFW sa POLO-OWWA shelter na mayroong travel ban at hindi nakakuha ng exit clearance.