Malaki ang naitutulong sa kalikasan ng digital transformation ng Bureau of Internal Revenue pagdating sa filing at pagbabayad ng buwis, ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III.
Ayon kay Dominguez, aabot sa 25,000 puno ang nasasagip sa loob ng halos isang taon dahil sa digital na ang filing ng tax returns.
Noong nakaraang taon, magugunita na pinayagan na ng BIR ang paggamit ng digital payment tools para sa tax payments.
Mula Enero hanggang Disyembre 2020, kabuuang 21,481,994 returns ang naihain sa Electronic Filing and Payment at Electronic BIR Forms ng ahensya.
Ang figure na ito ay kumakatawan sa 94 percent ng total returns na naihain noong 2020, ang pinakamataas na percentage sa kasalukuyan.
Samantala, kabuuang P1.665 trillion o 86 percent naman ng total BIR tax collections na P1.94 noong 2020 ang nakolekta sa pamamagitan ng electronic payment channels, at P4.98 billion sa halagang ito ay nakolekta sa karagdagang online payment channels.