hong kong protest rally 1
Hong Kong Rally

Umabot sa 24 katao ang itinakbo sa pagamutan dahil sa patuloy na kilos-protesta sa Hong Kong.

Karamihan sa mga ito ay nasaktan matapos na makasagupa ng mga kapulisan sa Hong Kong.

Hinarangan na rin ng mga protesters ang malaking bahagi ng lugar habang napilitang gumamit ang mga kapulisan ng tear gas para mapalayas ang mga protesters sa Mong Kok.

Mabilis namang nakalipat ang mga protesters sa bawat distrito.

Marami sa kanila ang naglagay ng barikada sa mga kalsada patungong Sham Shui Po police stations.