VIGAN CITY – Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act ang haharapin ng isang 23- anyos na lalaki na nahulihan ng baril sa Barangay Bagani Campo, Candon City.

Nakilala ang lalaki na si Mike Acopido Galicia na residente ng Tablac, Candon City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Police S/Sgt. Carl Marc Bumachi ng Candon City police station na nagpapatrolya umano sila nang maaktuhan ang suspek at ang kaniyang nobya na nasa madilim at walang katao-taong bahagi ng Barangay Bagani Campo kaya sinita nila ang mga ito.

Dahil sa gulat, nagmamadaling itinaas ng lalaki ang suot nitong pang-ibaba na siyang dahilan kung bakit naiwan pa nito ang kaniyang brief habang ang kaniyang nobya naman ay nananatiling nakaluhod sa kaniyang harapan kung kaya’t ipinagpalagay ng mga otoridad na ino-ral sex ng babae ang kaniyang nobyo bago pa man sila makarating sa nasabing lugar.

Nang lapitan ng mga otoridad ang mga ito, nakita sa lalagyan sa harap ng motorsiklo ng suspek ang isang magasin ng baril kaya pinabuksan ng mga otoridad ang compartment ng sasakyan at tumambad sa kanila ang isang armscor caliber 45.