CEBU CITY – Nagpapagaling pa ang 23-anyos na ina sa pagamutan matapos umano itong na-gang rape ng tatlong menor de edad kung sinaksak din ito sa lungsod ng Naga, sa Cebu.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Patrolwoman Carlene Cabesares ng Naga Police Station, sinabi nito na nagpumilit ang mga menor de edad upang makapasok sa kwarto ng biktimang kinilala muna sa alyas Queenie at doon na naganap ang umano’y panggagahasa.

Base sa salaysay ni “Queenie,” mag-isa lang ito sa kwarto nang mangyari ang panggagahasa dahil nasa trabaho naman ang asawa nito.

Binantaan umano ang biktima na papatayin ng mga menor-de-edad ang kanyang anak kapag pumalag ito.

Saka naman sinaksak umano ng isa sa mga suspek si “Queenie” sa kanyang tagiliran.

Sumaklolo naman sa biktima ang mga kapitbahay.

Agad ding dumulog naman ang mga barangay tanod sa police station hanggang sa nahuli ng tatlong mga suspeks.

Sa ngayon hinihintay pa ang medical result sa ginang.

Habang nasa kustodiya na ng Naga Police Station ang tatlong mga menor de edad dahil inaayos pa umano ang holding area ng DSWD Office sa lungsod ng Naga.

Samantala, isasailalim naman sa examination ang mga suspek upang malaman ang discernment nila bago pa makapagsampa ng kaso ang mga otoridad.