-- Advertisements --

Panibago na namang record high ang naitala ngayon sa daily tally ng mga COVID cases sa Pilipinas makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang bagong nadagdag na 22,366 na mga tinamaan ng virus.

Nahigitan pa nito ang record high nitong nakalipas na Sabado na mahigit sa 19,000.

Dahil dito ang mga COVID-19 cases sa bansa ay umaabot na sa 1,976,202 mula noong nakaraang taon.

Ang mga aktibong kaso naman o mga pasyente ay lalong lomobo sa bilang na 148,594 na siyang highest mula noong buwan ng Abril 17.

tally doh 1

Ayon sa DOH sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang mga kaso ng dinadapuan ng COVID-19.

-- Advertisement --

Samantala marami naman ang naitalang bagong gumaling na mga pasyente na umaabot sa 16,864.

Sa kabuuan ang mga nakarekober na sa bansa mula sa coronavirus ay nasa 1,794,278 na o katumbas yan sa 90.8 percent.

Gayunman marami na naman ang mga bagong nadagdag na naitalang namatay na umaabot sa 222 dahil pa rin sa deadly virus.

Ito na ang halos dalawang linggo na naitatala ang mahigit sa 100 pasyente ang namamatay sa Pilipinas sa kada araw na paglalabas ng tally ng DOH.

Ang death toll ngayon sa bansa ay nasa 33,330 na.

Mayroon lamang dalawang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 28, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa ng abiso ngDOH. Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.”