Patay ang 22 factory labor workers na sakay ng isang bus matapos itong bumaliktad sa Port Said, Egypt.

Ayon sa mga otoridad, walong katao ang sugatan nang bumangga ang naturang bus sa isang truck.

Batay sa inilabas na report ng state-run news, hindi na umano bago ang road acciodents sa Egypt dahil na rin sa sira-sirang kalsada rito at hindi maayos na traffic regulations.

Simula pa lang ng taong 2019 ay pumalo na sa 1,567 katao ang namatay, 6,406 sugatan at 8,335 naman ang mga nasirang sasakyan dahil sa patuloy na pagtaas ng road accident rate sa Egypt.