deped building
-- Advertisements --

Pumalo na sa 21.9 million ang bilang ng mga enrollees sa mga pampubliko at pribadong paaralan ilang araw bago magbukas ang panibagong school year.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, “very good” ang trend na naitatala ngayon sa enrollment sa ikalawang taon ng remote learning dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang 21.9 million na kasalukuyang bilang ng mga enrollees ay 83.6 percent ng 26 million total enrollment noong nakaraang taon, nang magdesisyon ang pamahalaan na magpatupad ng distance learning at ipagbawal ang pagdaraos ng physical classes dahil sa pandemya.

Sa naturang bilang, sinabi ng DepEd na hanggang noong Setyembre 9, mayroong 15.3 million students na enrolled sa mga pampublikong paaralan at 1.1 million naman sa mga pribadong paaralan.

Mahigit 23,000 estudyante naman ang enrolled na sa mga state universities at local universities at colleges habang nasa 4.5 million namang ang maagang nagpatala.

-- Advertisement --

Sa Setyembre 13 na magbubukas ang panibagong pasukan.