Reading Time: 1 minute

Target ng Kamara na maipasa ang 2020 national budet sa Oktubre bago ang kanilang unang session break.

Binigyan diin ni Taguig City Rep. at incoming Speaker Alan Peter Cayetano na una nilang aatupagin sa pagbubukas ng 18th Congress ang pagpasa ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Bukod dito, kasama rin aniya sa kanilang mga prayoridad ay ang lahat ng mga natitirang tax measures ng Duterte administration.

Tiniyak naman din nitong mabibigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro ng Kamara na maisulong ang kanikanilang top 5 national at local bills.

Ito ay para na rin lalong maramdaman ng kanilang mga distrito ang kanilang pagsisikap sa paggawa ng batas.