Mistulang patapos na ang matagumpay na homecoming ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Batay kasi sa impormasyon, sunod itong babiyahe patungong Indonesia kasama ang Miss Universe Organization para sa grand coronation night ng 2019 Puteri Indonesia.

Maihahambing sa Binibining Pilipinas ang nasabing national pageant ng Indonesia na gaganapin sa darating na March 8.

Dito ay inaasahan ang pagkikita-kita ng mga present at former queens ng iba’t ibang beauty pageant.

Kabilang din kasi sa inaasahan na darating sa Indonesia ay sina reigning Miss International Mariem Velazco ng Venezuela, reigning Miss Supranational Valeria Vazquez ng Puerto Rico, 2017 Miss Supranational Jenny Kim ng Korea, at 2017 Miss International Kevin Lilliana ng Indonesia.

Kasama rin sana sa lineup ang third Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach ngunit ayon sa Indonesian pageant organization, hindi na ito matutuloy dahil sa hectic na schedule ng half German beauty na tubong Cagayan de Oro.

from Pia’s IG account

Kung maaalala, ang Indonesia rin ang naging unang international trip ni Gray bilang Miss Universe kung saan agad siyang sumabak commercial shoot ng vitamins.