CHARLES DARWIN MICROSCOPE
-- Advertisements --
CHARLES DARWIN MICROSCOPE

Nakatakdang ibenta sa pamamagitan ng auction ang 200 year old microscope na ginamit noon ng naturalist na si Charles Darwin.

Ang microscope na ibinigay daw ni Darwin sa kanyang anak na si Leonard ay io-auction sa Christie’s Valuable Books & Manuscripts auction sa Disyembre 15.

Ayon kay James Hyslop, head ng Department, Scientific Instruments, Globes & Natural History, asahan na umanong aabutin ito ng $480,000 o katumbas ng P24 million.

Ang Gould-Style Compound Microscope ay ginawa noong 1825 at ito ay isa sa anim na lamang na microscope na associated sa British naturalist.

Ang petsa ng pag-manufacture sa naturang microscope ay nataon sa mga panahong nag-aaral si Darwin ng zoophytes, organisms gaya ng coral at sea anemone.

-- Advertisement --

Si Darwin ay kilala sa kanyang groundbreaking work na “On the Origin of Species” noong 1859. (Reuters)