-- Advertisements --

Itutuloy ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON ang nationwide na trnasport strike na nakatakdang magsimula bukas

Ayon kay Steve Ranjo, Secretary General ng PISTON may 20 protest areas sila sa Metro Manila sa gagawing tigil pasada, partikular na umano rito sa may Quezon City sa Novaliches, Philcoa, Litex, gayundin sa Alabang at sa mga probinsiya sa Southern Tagalog, Bicol at Cebu.

Aniya nagsama-sama ang iba’t ibang asosasyon ng mga tsuper at operator para kondenahin ang mga napipinto at tuluy-tuloy na phase-out sa mga traditional PUJs sa pamamagitan ng sapilitang konsolidasyon.

Una ng sinabi ng Land Tranportation Franchising and Regulatory Board na walang phaseout ngunit kailangang mag-consolidate ang mga PUJs upang matiyak na magiging maayos ang serbisyo ng naturang mga sasakyan sa mga commuters.