Nasa 20 katao ang nasawi at maraming nasugatan matapos ang naganap na stampede sa Tanzania.

Naganap ang insidente sa Pentecostal service sa isang stadium sa northern Moshi.

Sinabi ni Moshi district commissioner Kippi Wairoba, nagtakbuhan ang mga dumalo para sila ay mabendisyunan kaya nagkaroon ng tulakan.

Isinagawa ni pastor Boniface Mwamposa ang nasabing okasyon na itinuturing siya bilang isang “the aposlte”.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Tanzanian President John Magufuli sa mga pamilya ng mga nasawing biktima.

-- Advertisement --