Umaabot sa 20 manlalaro ng Major League Soccer ang nagpositibo sa coronavirus.

Ang nasabing anunsiyo ay isang linggo bago ang muling pagbabalik ng mga laro sa Orlando, Florida.

Ayon sa liga na mayroong 18 manlalaro at anim na staff members ang nagkaroon ng positibong resulta bago ang pagbiyahe sa Orlando.

Mayroong kabuuang 668 manlalaro ang sumailalim na rin sa pagsusuri noon pang Hunyo.

Nasa 329 katao naman ang sumailalim sa on-site testing pagdating nila sa Florida.