ZAMBOANGA CITY – Tinupok ng apoy ang nasa aabot sa dalawampung mga kabahayan sa Campo Islam Ciudad ng Zamboanga nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa bagong talagang Fire Marshall sa syudad ng Zamboanga, Fire Superintendent Marie Ramirez, ay isa umanong Baptism of fire para sa kanya ang sunod sunod na fire calls kung san na agad namang nirespundehan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag usad ng imbestigasyon ng BFP upang malaman ang saktong halaga ng pinsala sa nasabing sunog.