Falls 3
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay na ng matagpuan ang isang binata nang madulas at nalunod sa falls sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Mohammad Datumanong, 20, residente ng Campo Muslim, Barangay Bagua 1, Cotabato City.

Ayon sa ulat ng Barira PNP na masayang nag-bonding ang biktima at pamilya nya sa Bubuludtua falls sa Barangay Nabalawag, Barrita, Maguindanao.

Namangha umano ang binata sa sobrang ganda ng falls kaya napahiwalay sya sa pamilya para mag-silfie at kumuha ng larawan.

Nang hindi makita ang biktima ay hinanap ng pamilya hanggang wala ng buhay nang matagpuan na lumulutang sa gilid ng falls.

-- Advertisement --

Posibling nadulas da2 ang biktima at nabagok ang ulo kaya ito ay nalunod sa falls.

Paalala ng LGU-Barira sa mga nais mamasyal sa falls na mag-ingat para iwas disgrasya.