FB IMG 1587525070349
nbp1

Sa loob ng dalawang linggo, hindi na raw nakapagtala ng panibagong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Usec. at Spokesperson Markk Perete, ang pinakahuling bilang daw ng kaso sa BuCor sa ngayon mula nang magkaroon ng kaso noong mga nakaraang buwan ay 343 kaso, 18 ang namatay at 323 na ang mga naka-rekober.

Sa ngayon dalawang person deprived of liberty (PDL) at BuCor personnel ang nananatili sa quarantine facility.

Sa 18 namang namatay na lahat ay PDL, 15 dito ay mula sa National Bilibid Prisons (NBP) at tatlo sa Correctional Institute for Women (CIW).  

Ang NBP at CIW lamang ang mga penal farms at colonies na nasa ilalim ng pamamahal ng BuCor ang nakapagtala ng coronavirus.