Patay ang dalawang Americans at isang British national sa rocket attack sa isang military base sa Taji, Iraq.

Sinabi ni US Central Command spokesman Capt. William Urban, na dalawang US service members at isang coalition service member ang nasawi sa Katyusha rocket attack.

Malaki ang paniniwala na ang Iranian-backed fighters o Iran’s Revolutionary Guard Corp ang nasa likod ng atake.

Tiniyak din nila na kanilang pananagutin ang nasa likod ng atake.