CENTRAL MINDANAO- Dalawang mga bagong tulay na pinondohan ng Deaprtment of Agrarian Reform ang nai-turn over ng ahensya sa City Government sa siyudad ng Kidapawan.

Pinondohan ang mga ito sa ilalim ng DAR Tulay ng Pangulo Para sa Kaunlarang Pang-Agraryo o TPKP program at ipinatupad ng Department of Public Works and Highways.

-- Advertisement --

Personal na tinanggap ni City mayor Joseph Evangelista ang dalawang mga tulay mula kay DAR 12 Assistant Regional Director Al Haj Roldan Ali s aisang simpleng program sa Barangay Luvimin at Magsaysay kung saan naitayo ang mga nabanggit.

Kapwa may habang 28.8 Linear meters ang naturang mga tulay na magkokonekta sa mga barangay at magiging daanan ng mga magsasakang magbebenta ng kanilang ani tungo sa mga pamilihan.

Pasasalamat naman ang ipinapaabot ni Mayor Evangelista kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng mga tulay lalo pa’t maiaangat na nito ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Maliban dito ay mabibigyan na rin ng mas pina-igting na serbisyo publiko ang mamamayan lalo na ang Tulay ng Pangulo na nasa Barangay Magsaysay.

Malapit lang kasi ang nabanggit na tulay sa loteng pagtatayuan ng Bagong City Hall, wika pa ng alkalde.

Pinaplano kasing hinakayatin ni Mayor Evangelista ang ilang mga government line agencies sa lungsod na lumipat ng opisina malapit sa Bagong City Hall.

Sa pamamagitan nito ay magkakaroon na ng isang Government One Stop Shop services para sa mga mamamayan, sabi pa ni Mayor Evangelista.