BUTUAN CITY – Nakapiit na ngayon ang dalawang aktibong traffic enforcers sa lungsod at isang sibilyan matapos makunan ng suspected shabu sa sunod-sunod na drug buy bust operation kagabi sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Unang nahuli sa operasyon pasado alas-6:30 kagabi ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caraga ang traffic enforcer na si Rey Misanes, residente ng Arujville Subdivision sa Barangay Libertad na dati ng drug surenderee.

Nakuha mula sa posisyon nito ang dalawang sachets ng suspected shabu at ang drug buy bust money na P500 pati na ang isang cellphone.

Sinundan ito ng follow-up operation pagkalipas ng isang oras matapos mabasa mula sa kanyang cellphone ang text ng kasamahang si John Alvin Suronda, 26, na nagpapadala sa kanya ng foil.

Liban nito, nakunan din ito ng isang sachet ng shabu.

Pagkalipas naman ng kalahating oras, sunod na hinuli sa may Guingona Park ang kanilang kaibigang si Paul Peter Torayno, 26, na tubong Cagayan de Oro City ngunit naninirahan na sa Butuan kung saan nakuhaan naman ito ng isa pang sachet ng pinananiwalaang shabu.