-- Advertisements --
image 284

Nagrecant o binawi ng dalawa pang testigo sa kaso ng nakakulong na dating senador na si Leila de Lima ang kanilang mga alegasyon.

Ayon sa abogadong si Dino De Leon, ang legal counsel at tagapagsalita ni De Lima, na nakatakda sanang iharap ng prosekusyon ang dating pulis na si PMaj. Rodolfo Magleo bilang testigo subalit lumapit ito kay De Lima at iniabot ang isang sulat bago magsimula ang pagdinig sa natitirang kaso ng dating Senadora sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206.

Sa naturang sulat na naka-address kay De Lima at kapwa akusado nito na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Franklin Bucayu na may petsang Oct. 12, ipinaalam ni Magleo kay De Lima kasama ang kapwa niya testigo na si PSgt. Nonilo Arile na babawiin nila ang kanilang mga testimonya para matulungan siyang makalaya kasama ang iba pang kapwa akusado ni De Lima sa huling kaso nito.

Ipinaliwanag din ni Magleo sa sulat na noon pa sanang 2018 nila planong mag-recant subalit hindi natuloh dahil sa kawalan ng komunikasyon, binabagabag din aniya sila ng kanilang konsensiya at ayaw nilang maging biktima ito ng mistrial.

Dagdag pa dito, susunod din aniyang bawiin ng 5 iba pang testigo na kanilang nakumbinsi ang kanilang testimoniya laban kay De Lima pagkatapos nilang mag-recant.

Ayon naman sa legal counsel ni De Lima naturn-over na ang naturang sulat sa korte.

Una rito, sinabi ni Magleo sa mga mambabatas na ang mga big-time na drug lord sa New Bilibid Prison ay nagbibigay ng mga komisyon kay De Lima nang nakaupo pa ito bilang Justice secretary.

Habamñng inakusahan naman ni Arile si De Lima ng pagkakasangkot sa drug trade para mapondohan umano ang kanyang kampanya.

Samantala, ayon naman kay Prosecutor Darwin Cañete technically walang recantation dahil hindi na iniharap pa si Magleo bilang testigo.