-- Advertisements --

Arestado ang dalawang Taiwanese dahil sa paglabag sa liquor ban sa Malate, Maynila.

Sinabi Police Maj. Rosalino Ibay Jr, hepe ng Manila Police District, malinaw na paglabag ang ginawa ng dalawang inirekalmo dahil sa pagbebenta nila ng alak sa isang soup station sa Kalaw.

Nakatago pa ang nasabing mga alak sa kahon ng mga prutas para hindi ito basta masita.

Kasama nilang nagsagawa ng operation ang Special Mayor’s Reaction Team at Manila Bureau of Permit and Licensing Office.

Aabot sa 12 kahon ng mga alak ang nakumpiska ng mga otoridad sa nasabing lugar.

-- Advertisement --

Nakahanda na ang kasong paglabag sa liquor ban, guidelines sa general community quarantine, Code of Sanitation of the Philippines. , Omnibus Revenue Code.