Anak ng kilalang negosyante sa Sri Lanka ang dalawang suicide bomber na responsable noong Easter Sunday.

Ayon sa mga imbestigador ng kaso, ang magkapatid na sina Ahmed Ibrahim at Iiham Ahmed Ibrahim ay anak ng negosyanteng si Mohamed Ibrahim.

Itinaguyod ni Mohamed ang Colombo-based Ishana Exports na itinuturing na pinakamalaking exporter ng mga spices sa Sri Lanka mula pa noong 2006.

Kabilang si Mohamed sa mga suspek na inaresto matapos ang nasabing insidente.

Nauna ng ibinunyag ni Sri Lanka State Defense minister Ruwan Wijewardene na ang mga suspek na nasa likod ng pambobomba ay pawang mga edukado ay may kaya.

-- Advertisement --