Nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw ng Southern Police District (SPD) ang dalawang suspek sa pananaksak sa PBA player na si Jeron Teng at dalawang iba pang basketbolista.

Ayon kay SPD Director C/Supt. Tomas Apolinario, pina-finalize na ang kasong frustrated homicide at less serious physical injury.

Sinabi ni Apolinario na hihilingin din nila sa korte na magpatupad ng hold departure sa dalawang suspek na US Citizen.

Inihayag naman ni NCRPO chief P/C/Supt. Guillermo Eleazar na may mga security adjustment na ipinapatupad ngayon ang SPD sa Bonifacio Global City, particular sa mga business establishments o mga bar at night clubs.

Sinabi ni Eleazar na bawal ang pagdadala ng ring knife sa pampublikong lugar.

Nakilala ang dalawang suspek na sina Edmar Manalo, isang US citizen, general construction contractor at si Willard Basil, isang construction inspector.