CAUAYAN CITY- Inaresto ang dalawang lalaki dahil sa ginawang pamamaril sa mga bayan ng Cabagan at Cordon, Isabela

Dinakip ng mga kasapi ng Cabagan Police Station si Bernardo Lago, 42 anyos dahil sa pamamaril sa Chief Security ng Isabela State University Cabagan Campus na si Randy Morillo, 47 anyos.

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang biktima.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang M16 armalite rifle na mayroong magazine na may limang bala at isang motorsiklo.

Inihahanda na ang kasong frustrated murder laban kay Lago

Samantala, Inaresto naman ng Cordon Police Stationsi Marvin Oliver Hombre Bueno, 34 anyos sa Roxas, Cordon, Isabela.

Si Bueno ay inaresto makaraang ituro mismo ng kanya umanong binaril na si Ignacio Cadiz Jr.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang 9mm pistol.

Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang biktima.