TACLOBAN CITY – Nag-iwan ng dalawang sundalo patay ang pananambang ng New People’s Army (NPA) sa Las Navas, Northern Samar.

Ayon kay Capt Reynaldo Aragones, tagapagsalita ng 8th Infantry division ng Philippine Army, kinilala ang mga napatay na sina Corporal Robert Bueno at Private First class Ronel Labid, parehong naka-assign sa 20th Infantry Battalion na nakabase sa Las Navas.

Napag-alaman na nag-iinspeksyon para sa Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Road projects sa mga interior na barangay sa bayan ng Las Navas, ang kasundaluhan nang bigla silang tinambangan ng mga terorista.

Kahit nakasibilyan lamang ang mga ito at walang dalang baril ay nakilala pa rin ito ng NPA kaya pinaulanan sila ng bala.

Mabilis na tumakas ang mga rebelde matapos ang insidente.

-- Advertisement --