-- Advertisements --

Sugatan ang dalawang katao dahil sa naganap na pagsabog malapit sa isang simbahan at police outpost sa lungsod ng Cotabato.

Ayon kay Police Colonel Rommel Javier, ang city police director ng Cotabato City na pawang mga bystanders ang nasagutan sa nasabing insidente sa pagsabog na naganap pasado 6:30 ng gabi.

Naganap ang insidente malapit sa police outost at sa harap ng abandonadong police precint.

Nasa 60 metro lamang ang layo ng San Roque Chapel sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang mga biktimang kinilala na sina Marguiana Kalim at Azmad Cader.

-- Advertisement --

Patuloy pa rin na inaalam ng mga otoridad ang motibo ganun din ang mga suspek na nasa likod ng insidente.