Nagpapagaling na sa ospital ang dalawang sakay ng bumagsak na 2-seater Cessna plane sa bukiring bahagi ng Talavera, Nueva Ecija.

Batay sa ulat, pasado alas-7:00 nitong umaga nang magpa-gewang gewang sa himpapawid at bumagsak ang naturang aircraft sa bahagi ng Brgy. Homestead.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Talavera PNP, lumabas na engine failure ang sanhi ng aksidente.