-- Advertisements --

Dalawa sa halos dalawang libong preso na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang boluntaryo ng sumuko sa Philippine National Police (PNP).

Unang sumuko kagabi sa Bogo City, Cebu si Jesus Ranoco Negro Jr., 50-anyos, residente ng Barangay Dakit na nahaharap sa 8 counts of murder and frustrated murder.

Si Negro ay hinatulan ng 30 taon na pagkakabilanggo.

March 1990 nang makulong si Negro sa Bilibid at noong August 9,2018 ng ito ay pinalaya.

Si Negro ay mananatili muna ngayon sa kustodiya ng Bogo City PNP.

Sumuko naman nitong alas-3:00 hapon ng Huwebes ang isa pang heinous crime convicts sa Pasay City Police Station.

Nakilala ang convict na si Nicanor Pido Naz alias Nick na pinalaya mula sa Davao Penal Colony nuong July 11,2019 matapos silbihan ang 40 taong pagkakabilanggo.

Si Naz ay pinalaya dahil sa GCTA din.

Nuong June 3,1993 hinatulan ng life imprisonment at P20,000 fine dahil sa paglabag sa SEC 15 RA 6425 with case mo. 92-1436.

Mananatili naman sa kustodiya sa Pasay police si Naz.