Kinumpirma ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Taiwan Director for Administration Gerry de Belen na na-recover na ang dalawa sa tatlong Pinoy na naaksidente sa bumagsak na tulay sa Taiwan.

Ayon kay De Belen, isa na lang ang hindi pa nakukuha ng mga otoridad mula sa lugar ng aksidente.

Nakikipag-ugnayan na sa pamilya ng mga biktima ang ilang opisyal ng gobyerno, para magpa-abot ng pakikiramay at tulong.

Nagpapatuloy naman ang malalimang imbestigasyon ukol sa pagbagsak ng malaking tulay sa Yilan County, Taiwan.