-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sumuko sa pulis ang dalawang rebelde sa Leon, Iloilo

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na ang mga hindi pinangalanang mga rebelde ay residente ng Tubungan at Leon sa Iloilo.

Sinuko rin ng mga ito ang ibat-ibang mga baril, bala, grenade rifle at iba pang mga armas at pampasabog.

Ayon sa pulis, base sa tactical interview, inamin ng mga rebelde na miyembro sila ng isang communist group at sangkot umano sa iba’t ibang krimen gaya ng paghingi ng revolutionary tax at pag ambush sa mga pulis at military sa Panay.

Umaasa naman ang mga otoridad na dadami pang mga rebelde ang magsasagawa ng voluntary surrender dahil na rin sa mga programang iniaalay ng gobyerno para sa mga rebel returnees.