Reading Time: 1 minute

Arestado ang apat na katao sa isinagawang anti-drug operations ng PNP sa Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 25 sachet na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,000.

Kabilang sa naaresto ang dalawang rapper at dalawang kasamahan nito na naaktuhang nagsasagawa ng drug session sa Brgy. San Martin de Porres, sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Giovanni Caliao ng Cubao Police Station, ilang araw nilang minanmanan ang mga suspek bago isagawa ang anti-drug operations.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa suspek.