PNP iloilo
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sinibak sa pwesto ang dalawang pulis sa Western Visayas na nagpositibo sa drug test.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Plt. Col. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na nagsagawa ng random drug test ang Regional Crime Laboratory sa higit 50 mga pulis at nagpositibo ang dalawang pulis.

Kabilang sa nagpositibo ay mang rangko na Police Staff Sergeant, sentinal guard sa Escalante City Police Station at Patrolman na beat patrol sa Binalbagan Municipal Police Station.

Mananatili ang mga ito sa Personnel Holding & Accounting Unit habng nagsagasawa ng pre-charge investigation at summary dismissal proceedings.